Di na uso ang new year's resolution aminin na natin sa mga sarili natin na hindi naman tlga natin nababago lahat ng gusto nating baguhin kung mag rereflect ka matapos ang taon marerealize mo lang na wala ka ngang nabago sa sarili mo though sa iba nag wowork naman pero sa totoo lang karamihan eh nakikiayon lang sa laging ginagawa ng karamihan: ang mag karoon ng new year's resolution. Dahil sa mga ganyang reasons naisipan kong huwag ng tangkilikin ang new year's resolution subalit naka isip rin naman ako ng bago kong agenda sa darating na new year, ito'y mag set ng goals na dapat i accomplish within a year. Kung titignang mabuti at iaanalyze mas maganda ang ganitong concept kaysa mag set ka ng new year's resolution. By end of year malalaman mo talaga kung may ginawa ka sa buong taon o may naacomplish ka, magkakaroon ng magandang evaluation the whole year at lahat ng goal na naabot mo eh accomplishment yun at of course yung iba kundi kaya meron pa namang coming year para i achieve yun, basta at least may ma achieve sa mga goal but of course, achieve as many as you can hindi yung pagkatapos ng isa laylow na hanggang sa nahayaan na at mawala ka sa momentum mahirap ibalik sa dating state.
Ok ang haba ng intro considering that plano ko tlga yan this year mag set ng goal starting this 2010 onwards naisip kong gawing trend ito kada new year and by year end ay i-evaluate ko kung its a good year or not. Ngayon may mangilan ngilan nako naisip na goals. That's why I made this post para ma share na din sa mga readers ng blog ko yung mangilan ngilang interesado para naman makakuha idea or baka sakaling ma motivate ko kayo na mag set din ng goal that you need to accomplish for the whole year.
Here's My list:
I need to accomplish:
Civil Service Commision Exams
CCNA - cisco exams*
Increase Vocabulary
Write My Autobiography Draft
Ipasa ang Thesis
2 as minimum grade*
Speak Fluent English
Makapag OJT sa magandang Company*
*- Iba ang level of difficulty and I have no idea kung pano magsisimula.
Of course di lang yan lahat, I consider january as the planning month pero so far yan ang mga unang pumasok sa isip ko. I hope maaccomplish ko yang mga yan bago matapos ang 2010. Happy new year mates. Set your goals!
over and out.
No comments:
Post a Comment